Wednesday, January 16, 2013

Agrikultura

   Agrikultura ano ba ibig sabihin neto? Sabi nila batayang sektor ng ekonomiya. Kung ikukumpera natin ang agrikultura noon at ngayon, malaki na ang ipinagbago at ang pagkakaiba nito. 5 out of 5 ang nagsabing mas gusto nila ang agrikultura ngayon kesa noon. Sa kadahilanan na mas mabilis at mas maganda daw ang paraan ng paglikha ng mga kagamitan o produkto. Dahil narin sa sinasabi nilang "Modern Tehnologies".

                        Maraming sulirananin ang sinasabi nating agrikultura, katulad na lamang ng suliranin sa sariling puhunan, kompetensya at sariling lupa. Bakit nga ba isa sa mga suliranin ang sariling puhunan? Suliranin ito dahil nagkukulang sa puhunan ang mga magsasaka na nagiging dahilan kung bakit hindi sila makapagtanim dahil kulang sila sa "budget".Suliranin rin ang sinasabing kompetensya dahil hindi kayang makipagsabayan ng ating mga manggagawa sa pababaan ng presyo dahil sila ay malulugi kaya kailangan ng subsidy o tulong mula sa pamahalaan upang sila ay makasabay sa pababaan ng presyo. Sariling lupa rin ay isa sa mga suliranin dahil hindi makapagtanim ang mga magsasaka dahil wala silang sariling lupa. Karamihan sa mga lupa na pinagsasakahana ay ginagawa o tinatayuan na ng matataas na gusali, kaya dapat magkaroon ang mga magsasaka ng sariling lupa upang makapagtanim sila ng mas marami.

                      Marami na ang nagsasabi na ibang iba na ang ekonomiya noon at ngayon, at isa na ako dun. Kung ako rin ang tatanungin mas maganda ang ekonomiya ngayon dahil sa mga bagong kagamitan na naimbento. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa panahon natin ngayon dahil kung ikukumpera mo sa tradisyonal na gawin ng ating manggagawa mas mapapabilis ang paggawa nila at mas marami ang malilikha nila kung sila ay gumamit ng bagong kagamitan. Kung ikaw ang tatanungin ano ang iyong pipiliin Ang ekonomiya noon o ngayon?